--Ads--

CAUAYAN CITY Pinayuhan ng pinuno ng Philippine Overseas Employment Administration ( POEA ) ang mga Overseas Filipino Workers ( OFW’s ) na mag-ingat sa mga illegal recruitrer.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na dapat tiyakin ng mga OFWs na may lisensiya ang mga recruitment agency na kanilang lalapitan.

Magtungo sila sa mga Public Employment Service Office (PESO) para isangguni kung legal ang recruitment agency na nakikipag-transaksiyon sa kanila.

Puwede ring bisitahin ang website ng POEA para makita ang listahan ng mga accredited recruitment agency.

--Ads--

Ayon kay Atty. Olalia, may regulatory function ng POEA para matiyak na ang mga lisensiyadong ahensiya ang makapagpadala ng mga ofws sa ibang bansa.

Pinaigting aniya ang kanilang kampanya laban sa mga illegal recuitment agency.

Mayroon silang inter-agency on anti-illegal recruitment na puwedeng lapitan kapag nabiktima ng illegal recruiter ang isang OFW.

Pinayuhan din ni Atty. Olalia ang mga ofw na huwag masilaw sa malaking sahod at mabilis na proseso na pagtungo sa ibang bansa na alok ng mga illegal recruiter.

Dahil maaaring magkaroon ng problema kapag ibang bansa na.

Kapag nabiktima ng illegal recruiter ay maaaring magtungo sa one stop service center sa Santiago City para matulungan silang madakip at masampahan ng kaso ang illegal recruiter.