--Ads--

CAUAYAN  CITY  – Hustisya ang hangad ng pamilya Sinuto sa San Luis, Cauayan City  matapos na masawi ang isang kapamilya at nasugatan ang 3  iba pa sa walang habas na pamamaril kagabi sa kanilang compound.

Ito ay nagbunga ng pagkamatay ni Gng. Bernadette Rumbaua, 48 anyos na nakaupo sa terrace ng kanilang bahay, pagkasugat ng kanyang anak na si Michael, batang apo na si Prince at kapatid na si Billy Sinuto.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Gng. Rumbaua na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Nagtamo rin ng mga tama ng bala ang anak na si Michael na nakaganti pa umano ng putok bago nakatakbo habang nadaplisan bala sa kamay ang kapatid ni Gng. Rumbaua na si Billy at ang batang apo na si Prince.

--Ads--

Mapalad na gasgas lamang ang tinamo ng nakababatang kapatid ni Ginang Rumbaua na si Bernard Sinuto dahil nakadapa at nakatakbo nang maganap ang walang habas na pamamaril ng dalawang tao na sakay ng itim na Innova at isa pang sasakyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Sinuto na nag-iinuman sila sa labas ng terrace ng bahay ng kanyang ate na si Bernadette nang huminto ang itim na Toyota Innova at bumaba ang isang lalaki na nakasuot ng sumbrero at walang habas na namaril.

Itinulak niya ang kapatid na Billy at nakadapa sila bago tumakbo sa likod ng kanilang bahay.

Pumasok ang mga suspek sa kanilang compound, patuloy ang walang habas na pamamaril at tinamaan ang kanyang kapatid na si Bernadette.

Tinamaan din ng mga bala ang mga jalousie  ng bahay, tangke ng LPG, mga halaman sa labas ng bakuran, isang kolong-kolong, isang motorsiklo at mga bahay na katabi ng tinitirhan ng kanyang kapatid.

Isa lang ang nakita niyang nagpaputok ng baril na nakasuot ng sumbrero ngunit hindi niya namukhaan.

Gayunman, sinabi mga tao sa labas ng kanilang compound na dalawang suspek ang namaril na bumaba mula sa dalawang humintong sasakyan.

Umaabot sa 70 na basyo umano bala ng M16 at Caliber 45 ang natagpuan sa daan at 23 sa loob ng compound ng pamilya Sinuto.

Sinabi ni Ginoong Bernard Sinuto na nadamay lang ang ate si Bernadette na nakaupo sa terrace ng bahay dahil sila ang unang pinaputukan kaya posibleng sila ang ang talagang puntirya ng mga gunmen.

Sinabi niya na wala silang natanggap na pagbabanta sa kanilang buhay at wala ring nakaaway sa kanilang lugar na maaaring dahilan ng matinding galit ng mga walang habas na namaril sa kanila.

Ayon kay Ginoong Sinuto, ang pamangkin na si Michael ay dating kasapi ng Isabela Anti-crime Task Force (IACTF) ngunit inamin na hindi batid ang iba pang gawain ng pamangkin.

Humihilin gsiya ng tulong sa mga otoridad para mabigyan ng katarungan ang nangyari sa kanila lalo na ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid.