--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang mga kasapi ng Tuguegarao City Police Station kaugnay sa operasyon ng magtiyuhin  na nasamsaman ng kinarnap na taxi sa Muntinlupa City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police Station noong nagsagawa sila ng operasyon ay nakita nila ang taxi ni Sherwin San Roque,34 anyos at residente ng Valenzuela City sa talyer ng magtiyuhin  na suspek na sina Jestoni at Richmar Rioca sa isang talyer sa Barangay Penggue, Tuguegarao City.

Nakitang kasalukuyan nang binabaklas ang mga bahagi ng naturang taxi sa nasabing talyer .

Inaalam na ng pulisya kung mayroong grupong kinabibilangan ang magtiyuhin  na Rioca  matapoos makita sa kanilang pag-iingat ang kinarnap na tax.

--Ads--

Sinampahan na rin ng kaukulang kaso ang magkapatid na suspek

Magugunitang nagtungo mismo sa isabela ang may-ari ng taxi na si G. Sherwin San Roque at nakipag-ugnayan kay P/Chief Insp.Reynaldo Maggay, hepe ng Station 2 ng Santiago City Police Office.

Sa pamamagitan ng GPS na nakakabit sa taxi ay natukoy na ang kinarnap na sasakyan ay dinala sa Tuguegarao City kaya agad na nakipag-ugnayan si Chief Insp. Maggay sa hepe ng Tuguegarap City Police Station na si Supt. Guzman.

Agad Bumuo ng team si Supt Guzman na kanyang pinamunuan at nagsagawa ng operasyon sa lugar kung saan natukoy ang taxi at dito naaktuhan ang magtiyuhin na  Rioca na binabaklas na ang nasabing sasakyan.