--Ads--

CAUAYAN CITY – kakulangan sa suplay ng shabu ang tinitignang dahilan ng PNP Crime Laboratory sa Santiago City kung bakit hinahaluan ng tawas at ibang kemikal ang mga Illegal na droga.

Sa humigit kumulang 50 kaso na may kaugnay sa ipinagbabawal na gamot ay nasa isang bahagdan ang nasuri ng Crime Lab na hindi tunay na illegal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Alfredo Quintero ng PNP Crime Lab, sinabi niya na lahat umano ng kanilang nasusuri na shabu ay may halong tawas na katulad na itsura ng tunay na shabu.

Kung may magnegatibo umano sa resulta ay hindi ibig-sabihin na peke ito kundi maaaring may ibang sangkap na inilagay.

--Ads--

Aniya sa transaksyon umano nagkakaroon ng pamemeke at hindi ang mismong shabu.

Bihira na rin umanong nakakatanggap ang PNP Crime Lab ng mga purong shabu dahil karamihan sa mga pusher ay dinadagdagan nila ng Tawas para dumami.