--Ads--

Persons with Disabilities, binigyang ng Financial Assistance sa Cauayan City

CAUAYAN CITY– Sa layuning matulungan ang mga Person’s With Disabilities ( PWDs ) ay binigyan ng Cauayan City ng financial health Assistance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Mayor Bernard Dy na quarterly ang ibinibigay na kapakinabangan sa mga PWDs na nagkakahalaga ng isang P/1,500.00.

Sinabi ng City Mayor na inuna muna nilang bigyan ng nasabing kapakinabangan ang mga PWDs na tinaguriang Indigent at pag-aaralan nila na lahat ng mga PWDs ay mabibigyan ng cash assistance sa mga susunod na panahon.

--Ads--

Sa ngayon ay umaabot sa 100 PWDs ang naunang nabigyan financial health assistance ng pamahalaang Lunsod.