--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos barilin kagabi ng isang katutubong agta sa Kabisera 10, Ilagan City.

Ang biktima ay si Conrado Cumlat, 55 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay habang ang suspek ay isang katutubong agta na kinilala sa alyas na Uggot.

Ayon kay P/Supt. Ronald Laggui, ang public information officer ng Isabela Police Provincial Office, nag-inuman ang suspek at mga kaibigan nang magkaroon ng di pagkakaunawan na nauwi sa kaguluhan.

Umawat lamang ang biktima subalit nauwi ito sa pakikipag away sa suspek.

--Ads--

Umuwi ang suspek at pagbalik niya ay armado na siya ng di pa matukoy na uri ng baril at binaril si Cumlat.

Nasugatan ang biktima sa kanang balikat na isinugod sa ospital.