--Ads--
2 babae dinakip dahil sa kasong pagnanakaw
CAUAYAN CITY – kinakailangang maglagak ng piyansang tig-P/60,000.00 ng dalawang babae para sa kanilang pansamantalang paglaya matapos madakip sa kasong pagnanakaw.
Ang pinaghihinalaan sina Maryjane, 38 anyos, residente ng Centro West Santiago City at Cresencia, 30 anyos at residente ng San Jose Santiago city na may kinakaharap na kasong qualified theft.
Isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Santiago City Police Station II ng Santiago Police Office ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court 2nd Judicial Region Branch 36 Santiago City.
--Ads--




