CAUAYAN CITY – Nadakip ang 2 mag-aaral sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at PDEA 2 sa Barangay San Fermin, Cauayan City dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip ang dalawang estudyante na sina John, 19anyos, second year college at si Art 20 anyos, first year college at kapwa residente ng San Mateo, Isabela.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang P1,000.00 marked money, cellphone at dalawang transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng ilegal na droga.
Inamin ng isa sa mga nadakip na nagbebenta ng ilegal na droga.
Sinabi sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ng isa sa mga suspek na unang beses pa lamang niya na magbenta ng illegal na droga at inamin din niya na muli siyang gumamit ng ilegal na droga matapos ang pagtigil ng isang buwan.
Sa kasalukuyan ang dalawang nadakip na estudyante ay nasa pangangalaga na ng pulisya at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila
Iginiit naman ng dalawang mag-aaral na ginagamit lang silang dealer ng isang high value target na taga San Mateo, Isabela.




