CAUAYAN CITY- Nagluluksa ang Diocese of ilagan at mga deboto sa Gamu at Cauayan City dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang pari.
Unang sumakabilang buhay noong March 17, 2018 si Fr. Angel Luga, kura paroko ng St. Rose of Lima Parish Church sa Gamu, Isabela.
Siya ay 40 years na naglingkod sa iba’t ibang parish church sa Isabela tulad ng Cauayan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo at ang pinakahuli ay sa bayan ng Gamu.
Ang kanyang mga labi ay unang ibinurol sa simbahan sa Gamu bago dinala noong March 19, 2018 sa kanyang bahay sa Ugad, Tumauini, Isabela. Ibuburol doon hanggang March 22, 2019 bago ililipat sa St. Michael’s Cathedral sa Upi, Gamu, isabela sa hapon ng March 22.
Ihihimlay ang bangkay ni Fr. Luga sa Biyernes, March 23, 2018 sa Clergy Cemetery sa compound ng cathedral.
Samantala, kaninang madaling araw ay sumakabilang sa isang pribadong ospital sa Lunsod ng Tuguegarao si Fr. Francisco “Paco” Albano sanhi ng accute leukemia.
Si Fr. Albano ang asst. parish priest ng Our Lady of the Pillar Parish church at naging parish priest ng Our Lady of the Visitation shrine sa Gamu, Isabela.
Ibuburol ang kanyang mga labi sa Our Lady of the Pillar Parish Church, Cauayan City.




