--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsumbong sa mga opisyal ng barangay ang isang10 anyos na bata matapos na muling gahasain umano kagabi ng kanyang ama sa Echague, Isabela.

Batay sa sumbong ng biktima na itinago sa pangalang Alyanna sa kanilang barangay kapitan, nagsimula ang panghahalay sa kanya ng ama mula nang magtungo ang kanyang ina sa Kalakhang Maynila para maghanap ng trabaho.

Naulit umano ito nang ilang beses ngunit nang muli siyang gahasain kagabi ay nagsumbong na siya sa mga opisyal ng barangay sa kanilang lugar.

Dinakip ng mga kasapi ng Echague Police Station ang suspek habang nasa pag-iingat ng Municipal Social Welfare and Development Office ang bata.

--Ads--

Hinihintay ang pagdating ngayong araw ng kanyang ina mula sa Kalakhang Maynila.