--Ads--

CAUAYAN CITY- Umabot na sa 49 na tao ang namatay dahil sa mga naganap na aksidente sa nakalipas na dalawang buwan ngayong 2018

Sa naging pagpapaliwanag ni P/Supt. Emmanuel Viernes sa Oversight Committee Meeting ng mga kasapi ng PNP na ginanap sa Isabela Police Provincial Office, kung ihahalintulad ang mga naganap na aksidente sa daan noong 2017 ay bumaba ang bilang na kanilang naitala sa nakalipas na dalawang buwan ngayong taon.

Noong Enero hanggang Pebrero, 2017 ay nakapagtala ng 458 na vehicular accidents kumpara sa 309 na aksidente sa lansangan sa kaparehong panahon ngayong 2018.

Sa 309 na aksidente ay apatnaput siyam na tao ang binawian ng buhay.

--Ads--

Limampong bahagdan ng aksidente ay naitala ay sa Cauayan City.

Pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng aksidente sa daan ay human error, over speeding, counter flow at ang pagmamaneho ng lasing.

Ang oras na kadalasang nagaganap ay Gabi

Mga SUV, single motorcycle at tricycle ang mga pangunahing sasakyan na nasasangkot sa aksidente.

Dahi dito napagkasunduan din sa Oversight Committee meeting na magkakaroon ng road safety summit sa April 4, 2018 upang paalalahanan ang mga motorista.