CAUAYAN CITY– Umaabot sa 187 na tokhang responders ang nagtapos ng kursong driving sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Mariano sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Municipal Adminsitrator Monico Aggabao ng San Mariano, Isabela ang mga drug surrenderees na huwag nang balikan ang dating uri ng pamumuhay na paggamit ng illegal na droga.
Inihayag ni Dr. Almira Reyes, Municipal Health Officer ng San Mariano na handa ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang tulungan na tuloy tuloy ang pagbabagong buhay ng mga tokhang responders.
Anya walang magandang idudulot ang droga sa kalusugan ng tao at lalong walang maidudulot na maganda sa pamilya ang paggamit ng droga.
Ang pagtatapos ng mga tokhang responders ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng San Mariano, San Mariano Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency at TESDA.




