CAUAYAN CITY- Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang tsuper ng isang kotse na nakabangga isang tricycle na may kargang mga hayop at ikinasawi ng tsuper nito sa Ramon,Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Inspector Lordwilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station, ang tsuper ng toyota corolla na may plakang TVD 471 na si Jonival Agonoy 25 anyos, may-asawa at residente ng Diamantina, Cabatuan ay nasa impluwensya umano ng alak nang mabangga ang tricycle sa pambansang lansangan sa Raniag, Ramon.
Agad na namatay ang tsuper ng tricycle na galing sa Alfonso Lista, Ifugao na si Daniel Dalgo at residente ng lalawigan ng Abra.
Sa lakas ng impact ay naihiwalay ang motorsiklo sa sidecar nito.
Nasa pag-iingat ng Pulisya si Agonoy at inaasahan ang pag-uusap ng pamilya ng biktima habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.




