--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang itinuturong may kagagawan sa pananambang noong nakaraang taon sa grupo ni kapitan Brixio Gammaru ng Dalena, San Pablo, Isabela at sa tsuper ni kinatawan Rodito Albano ng unang distrito ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Police Regional Office o PRO 2, naaresto ang akusadong si Domingo Lorenzana alyas Inggo, nasa tamang edad, may asawa, at residente ng Barangay Centro, San Pablo, Isabela.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 2 at Regional Special Operations Group ng Police Regional Office Number 2.

Si Lorenzana na isang Oplan Tokhang responder ay sinampahan ng mga kasong murder, frustrated murder at atempted murder sa sala ni hukom Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court branch 22 sa Cabagan, Isabela.

--Ads--

Magugunitang sa naganap na ambush sa barangay Annanuman, San Pablo, Isabela ay nakaligtas si Barangay Kapitan Brixio Gammaru at driver ni Cong. Albano ngunit napatay ang dalawa nilang kasama. Sila ay sakay ng isang owner type jeep patungong bayan ng Cabagan nang sila ay tambangan ng akusado.