--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabiktima ng budol-budol gang ang isang senior citizen sa Santiago City.

Ang biktima ay si Gng. Jovita Pacunla, 61 anyos, may-asawa at residente Santiago City

Habang ang mga pinaghihinalaan ay tatlong babae at dalawang lalaki.

Sa sumbong ng biktima sa Santiago City Police office Station I , isang babae at isang lalaki umano ang nakipag-usap sa kanya at nagpakilala ang lalaki na kaklase umano ng kanyang anak.

--Ads--

Inanyayahan si Gng. pacunla ng dalawang suspek sa loob ng sasakyan na kinaroroonan ng tatlo pang suspek.

Sa loob ng sasakyan, nagpatuloy umano ang kanilang paguusap.

Sinabi umano ng isang suspek na bibili sila ng construction material at agad ipinakita ang pera na nakalagay ng sa isang itim na handbag hanggang sa hinamon ang lola na kung makakapagpakita siya ng mas malaking pera ay bibigyan nila ang biktima ng karagdagang pera.

Dahil dito nagpahatid umano ang lola sa kanilang bahay at kumuha ng P/300,000 para ipakita sa mga suspek.

Pagkatapos ipakita ni Pacunla ang pera, inutusan umano ng mga pinaghihinalaan si pacunla na ilagay sa itim na bag ang kanyang pera.

Habang binabagtas nila ang lansangan sa bahagi ng barangay mabini papuntang poblacion area ay ibinigay kay Pacunla ang itim na bag kung saan niya inilagay ang kanyang pera at ang karagdagang pera na ipinangako ng mga kasapi ng budul-budol gang.

pinababa na na ang ginang dahil bibili pa umano sila ng Construction Material.

Hindi na bumalik ang mga pinaghihinalaan kayat umuwi na lang si Pacunla at nang kanyang buksan ang itim na bag ay dito na niya natuklasan na puro papel ang laman ng kanyang bag.