CAUAYAN CITY – Umabot na sa 203 na sinampahan ng mga kaso sa Isabela ang nadakip ng mga pulis sa iba’t ibang bayan at lunsod batay sa talaan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Sa isinagawang oversight committee meeting sa IPPO, sa nasabing bilang, ay nakahuli ang iba’t ibang himpilan ng pulisya ng 55 noong Enero, 80 noong Pebrero at 68 naman hanggang ikalabing siyam ngayong Marso.
Sa dalawang daan at tatlong nadakip, ang ordinary wanted person ay nasa 100 at 88 habang 5 ang nasa top wanted person.
Nangunguna sa listahan ang San Mateo , Roxas at Alicia Police Stations na may bilang na tig-labinlima.
Samantala sa acomplishment sa illegal gambling mula Enero 2018 hanggang March 19, 2018 nangunguna ang Echague Police Station at Ilagan City Police Station sa bilang na tig-30 positive operation.
kapansin-pansin ang bilang ng nadakip sa Echague, Isabela dahil umaabot ito sa 16 katao ang naaresto sa tatlong operasyon lamang.
Sa labing dalawang police stations sa Isabela na may accomplishment laban sa illegal gambling naitala ang limang positive operations at 43 ang nadakip.
Dalawa rito ay nahuli sa pagtotong-it, 2 sa fruit game, 6 sa drop ball, 2 sa huweteng at 4 na iba pa.




