--Ads--
CAUAYAN CITY – Wala pang nasampahan ng kaso sa pagbaril at pagpatay noong nakaraang linggo sa retired seaman na si Bernardo Domingo ng barangay macalaoat, Cabatuan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabatuan police station, wala pang nakikipag-ugnayan sa kanila na kamag-anak ni domingo.
Handa ang pulisya na magsampa ng kaso kung mayroon silang mga testigo.
Bagamat may mga nakakita sa pangyayari, hindi nila nakilala ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
--Ads--
Patuloy ang pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station sa pagbaril at pagpatay sa retired seaman na walang anak, hiwalay sa asawa at nagmamay-ari ng malawak na lupain sa kanilang bayan.




