--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpatulong sa Bombo Radyo Cauayan ang mga kamag-anak ng isang Overseas Filipino Worker na minamaltrato umano ng amo sa Kuwait.

Ito ay makaraang hindi na nila makausap ang kaanak at huli nilang nakita ng post nito sa facebook noong March 10, 2018.

Kaugnay nito ay idinulog ng Bombo Radyo Cauayan ang nasabing suliranin kay Undersecretary Bernard Olalia ng DOLE at nangakong tutulungan ang nasabing OFW na makauwi sa bansa.

Pinayuhan niya ang mga pamilya ng OFW na makipag-ugnayan at humingi ng appointment sa Philippine Overseas Employment Adminsitration o POEA upang malaman ang iba pang impormasyon at matulungan at maisailalim sa isinasagawang repatriation ng pamahalaan sa mga OFW na nasa Kuwait na nais nang makauwi sa Pilipinas.

--Ads--