CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang nadakip na high value target sa pagbebenta ng illegal na droga sa Tumauini, Isabela.
Ang dinakip ay si John Mark Ramos, 33 anyos, binata at residente ng San Pedro, Tumauini Isabela.
Si Ramos ay dinakip ng magkasanib na puwersa Tumauini Police Station, PDEA region 2, National Bureau Of Investigation Isabela District Office habang nagsasagawa ng transaksiyon sa nagpanggap na posuer buyer.
Nasamsam sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money na P/1,000.00.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni NBI Isabela Director Tim Rejano si John Mark Ramos na batay sa kanilang intelligence report , si Ramos ay miyembro ng Mendez drug group na isang taon nang kumikilos sa mga bayan Delfin albano, Tumauini, Cabagan at Santo Tomas sa Isabela.
Pangatlo na si Ramos na kasapi ng Drug Mendez Group na nadakip ng mga otoridad at ibinunyag ng kanyang mga kasamahang una nang nadakip.
Sinabi pa ni Provincial Director Rejano ng NBI Isabela na malakas ang Drug Mendez Group at malaking tao ang nasa likod nito at maging ang mga magsasaka sa Northern Isabela ay binebentahan nila ng illegal na droga.




