--Ads--

CAUAYAN CITY- Magdadala ng maraming proyekto hindi lang sa Isabela state university kundi sa buong isabela ang kanilang dinaluhang conference sa Taiwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Ricmar Aquino, pangulo ng Isabela State University (ISU) System na sa kanilang pagtungo sa Taiwan ay naka-ugnayan nila ang mga investors sa pamamagitan ng manila economic and cultural office ( MECO ).

Ang partner na National Taiwan University na ranked 50 sa QS World ranking ay nag-alok ng pagpapatayo ng doppler radar para manomitor ang kalagayan ng panahon sa region 2.

Napag-usapan na ilagay ito sa weather station sa Echague, Isabela para mapalakas ang kakayahan sa pagsubaybay sa kalagayan ng panahon.

--Ads--

Sa National Taiwan Ocean University naman ay tatangap ng mga researcher mula sa Isabela State University para sa immersion.

Pupunta sila sa taiwan para sa immersion upang mahasa ang kakayahan nila bilang researcher.

Sinabi ni Dr. Aquino na nakausap din nila ang mga opisyal ng water resource agency na nais lumahok sa international conference sa Cauayan City at maging incorporator sa itatayong international organization on climate change adaptation and disaster risk reduction and management.

pati ang teknolohiya nila ay nais ding ilipat para sa pagtukoy sa solusyon sa siltation ng Magat Dam sa Ramon, Isabela.