CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat sa leeg at iba pang bahagi ng katawan at ang isang lalaki na pinagtataga ng kanyang kainuman at patuloy na nilalapatan ng lunas sa San Mariano Community Hospital.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Vicente Guzman, hepe ng San Mariano Police Station na ang tinaga ay si Samson Galindez habang ang suspek ay si Boyet Mansibang.
Sinabi umano ng saksi na si Jonel Domingo na niyaya siya ng dalawa na mag-inuman.
Habang nag-iinuman sila ay inungkat ni Galindez ang utang sa kanya ni Mansibang.
Nagkainitan sila nang itanggi ni Mansibang na may utang siya sa biktima.
Tumayo si Mansibang at kumuha ng itak at pinagtataga si Galindez.
Ayon kay PCI Guzman, inihahanda na nila ang kasong isasampa sa piskalya laban kay Mansibang.




