CAUAYAN CITY – Tatlong sasakyan ang nagnagbanggaan kaninang madaling araw kabilang ang isang LGU Cauayan Bus na sasakyan DepEd, isang hyundai accent at isang closed van sa Naguillian, Isabela.
Ang tsuper na si Alvin Parica, 37 anyos, residente ng San Fermin, Cauayan City ay minamaneho ang DepEd Bus, samantalang ang Hyundai Accent na may plakang AAO 7673 ay minamaneho ni May Villanueva Arturo, 42 anyos, residente ng Osmeña , Ilagan City habang minamaneho naman ni Jessie De Vera, residente ng San Miguel, Ramon, Isabela ang closed van na may plakang CXV 838
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Francisco Dayag, hepe ng Naguilian Police Station kanyang inihayag na patungong norte ang g DepEd Bus at Hyundai Accent habang ang closed van ay mula sa Ilagan City at tinatahak ang direksyong patungo dito Cauayan City.
Sinusundan umano ng DepEd Bus ang Hyundai Accent nang tinangka nitong lampasan ang sinusundang sasakyan subalit hindi umano napansin ng tsuper ng DepEd Bus ang paparating na closed van
Hindi umano nakabukas ang headlight ng closed van at inamin din umano ng tsuper na si De Vera na nakaidlip nang nangyari ang aksidente.
Dagdag pa ni Senior Inpector Dayag, nang mabangga umano ng Bus ang closed van ay napunta pakaliwa kaya nabangga ang isa pang kasalubong nitong Hyundai Accent.
Patungo sana sa Tuguegarao City ang DepEd Bus upang sunduin ang mga nakilahok sa isang seminar sa naturang lungsod.
Maswerte naman walang malubhang nasugatan sa aksidente at nagtamo lamang ng gasgas sa katawan ang tsuper ng close van na si De Vera na isinugod na sa pagmutan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa aksidente at wala pa naman umanong nangyayaring pag-uusap sa mga nasangkot sa aksidente.
Kaugnay nito nagpaalala si Senior Inpector Dayag, sa mga motorista pangunahin na sa nalalapit na Semana Santa na maging maingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.




