--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang 17 anyos na biktima habang sugatan ang kanyang pinsan makaraan silang mabangga at takbuhan ng nagmamaneho ng di pa matukoy na sasakyan sa Villa Magat, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Integrated Hospital sa Bayan ng San Mateo, ang namatay ay si Princess Marquez, 17 anyos matapos magtamo ng Multiple Fracture sa kanyang kantawan samantalang ang kanyang kasamang pinsan na si Jose Marquez, 18 anyos ay kailagang ilipat sa ibang pagamutan para sa kaukulang gamutan.

Ang mga biktima ay bibili lang sana umano ng gatas nang sila ay na-hit and run ng hindi pa matukoy na uri ng sasakyan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang tsuper ng sasakyang nakatagis sa mga biktima.

--Ads--