2 tao patay, 6 nasugatan sa banggaan ng van at elf truck sa Nueva Vizcaya
CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang tao habang isa ang nasa malubhang kalagayan matapos ang banggaan ng starex van at elf truck sa Solano, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SPO3 Omar Ancheta, tagasiyasat ng Solano Police Station, kinilala niya ang mga namatay na sina Fancisco Javier, 72 anyos at Marilyn Mendez, 26 anyos.
Patuloy na ginagamot sa ospital si Lily Sobrepenia na nasa malubhang kalagayan at nakatakdang operahan.
Nagtamo ng mga sugat ngunit nakalabas na sa pagamutan sina Manuel Sobrepenia Jr, 52 anyos, krizel Sobrepenia, 22 anyos, Lolita Javier, 65 anyos at mga apo na sina shian Aldrin Mendez, 9 anyos at Irish kate Macaraeg, 2 anyos pawang residente ng Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.
Sila ay patungo sana sa bayan ng Maddela, Quirino nang mabangga ng elf truck ang sinasakyan nilang starex van na may plakang WHV 333.
sa lakas ng pagkakabanga ay bumaligtad ang Van na nagbunga ng pagkamatay ng dalawang biktima.
Ang tsuper ng Elf Truck na si Joel Chanpengco, 47 anyos, may asawa at residente ng Unsad, Villasis, Pangasinan ay mapalad na hindi na nagtamo ng malalang sugat.
Sasampahan ang tsuper ng truck na Chanpengco ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries and damage to property.




