CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong paglabag sa Rep.Act 8293 (intellectual Property Code of the Philippines) ang isang ahente ng palay at mais matapos magbenta ng pekeng binhi ng palay sa Roxas, Isabela.
Ang suspek na si Jomar Carpio, 55 anyos, may-asawa at naninirahan sa Brgy. Munoz East Roxas,Isabela ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela sa pangunguna ni P/Chief Insp. Jericho Cuyopan at mga kasapi ng Roxas Police Station sa pangunguna ng hepe na si P/Chief Insp. Dennis Pamor.
Isinilbi ng CIDG Isabela at Roxas Police Station ang warrant of arrest na ipilabas ni Judge Isaac De Alban ng Reg’l Trial Court Branch 16 laban kay Carpio para sa kanyang kasong pagbebenta ng pekeng binhi ng palay.
Si Carpio ay nasa pangangalaga na ng CIDG Isabela at kailangan niyang maglagak ng piyansang P/10,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




