CAUAYAN CITY– Dinakip sa isang checkpoint ang isang magsasaka matapos matuklasan na nag-iingat ng baril sa Benito Soliven, Isabela.
Ang dinakip ay si Joel Salaguinto, 39 anyos, may-asawa at residente ng San Francisco, Benito Soliven.
Sa impormasiyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, habang nagsagawa ng Checkpoint ang mga kasapi ng Benito Soliven Police Station sa tapat ng kanilang himpilan nang dumating si Salaguinto sakay ng motorsiklo.
Nagtangka si Salaguinto na bumalik sa pinanggalingan upang makaiwas sa check point ngunit bago makaikot si Salaguinto ay nakita siya ng mga pulis at pinatigil para makita ang kanyang pagkakakilanlan.
Sa isinagawang inspection ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang Cal. 38 revolber na may 12 bala ngunit walang kaukulang dokumento.
Dinala si SalagUinto sa Benito Soliven Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Mahaharap si Salaguinto sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).




