--Ads--
CAUAYAN CITY -Dinakip ang isang ginang na newly identified drug pusher sa isinagawang drug buy bust operation sa San Manuel, Isabela.
Ang dinakip ay si Elenita, 39 anyos, walang asawa isang ahente at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay dinakip habang nagsasagawa ng transaksiyon sa isang pulis na nagsilbing posuer buyer.
Nakuha sa pag-iingat ng ginang ang isang sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money at isang motorsiklong ginagamit ng suspek.
--Ads--
Dinala sa San Manuel Police Station ang ginang para sa kaukulang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).




