CAUAYAN CITY- Nararamdaman na ngayon ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lansangang papasok at papalabas ng ikalawang rehiyon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Senior Supt. Geremias Aglugob, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office na simula kahapon ay naranasan na ang moderate to heavy traffic sa lalawigan.
Pangunahing tinukoy ni Senior Supt. Aglugob na mga lugar na nakakaranas ngayon ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang Centro ng Bambang dahil sa dami ng mga tricycle na naghahatid at sumusundo sa mga pasahero.
Gayunding nakakaranas ng masikip na daloy ng trapiko ang intersection sa Bambang na patungong Baguio City at bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya maging sa pagitan ng mga bayan ng Solano at Bayombong kung saan mayroong binakbak na shoulder lane ng daan.
Dahil dito mas maraming bilang ng mga pulis ang naka-deploy sa mga lansangan kumpara sa mga nag-iikot at ilog at mga establisyemento sa paggunita ng semana Santa.
Nakiusap si Provincial Director Senior Supt. Alugob ng PNP Nueva Vizcaya sa mga motorista na sundin ang ipinapatupad na batas trapiko upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko papasok at papalabas ng region 2.




