CAUAYAN CITY– Isang broker ang patay, 14 ang nasugatan kabilang ang isang sanggol matapos banggain ng isang trailer truck ang dalawang sasakyan sa National Highway sa Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya ngayong Biyernes Santo.
Ang namatay ay si Nazareno Relado, 41 anyos, isang broker at residente ng Las Piñas City.
Sa pagsisiyasat ng Bagabag Police Station, nawalan ng kontrol sa manibela sa pakurbadang daan ang tsuper ng trailer truck na may plakang AAT 3813 na si Joey Remigio, 32 anyos, residente ng brgy. Del Corpuz, Cabatuan, Isabela.
Bunsod nito nabunggo ng trailer truck ang kasalubong na L300 van na minamaneho ni Peter Ortez, 38 anyos na residente ng Parañaque City.
Bunsod nito ay dead on the spot ang sakay ng L300 van na si Relado, at sugatan si Raymundo Go, t38 anyos, broker at residente of Balut, Tondo, Manila.
Nadamay din sa banggaan ang isa pang kasalubong ng trailer truck na Hi-Ace van na may plakang ZDU 448 at minamaneho ni Freddie Macadangdang, 41 anyos at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya
Nagtamo ng sugat si Macadangdang at kanyang mga pasaherong 6 months old na si baby Avryl Antonette Bibay kasama ang kanyang ina na si Ginang Daryl Ann Bibay at iba pang mga pasahero na sina Lilia Macadangdang, Marivic Macadangdang, Zhyrus Macadangdang, James Llacas, Rhiana Joyce Llacas, Mary Joyce Llacas, Teresita Padilla at Flordelina Magallanes, pawang residente ng mga bayan ng Bayombong at Solano sa Nueva Vizcaya.
Ang bangkay ni Nazareno Relado ay dinala sa funeral parlor Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya habang ang labing apat na tao ay nagtamo lamang ng slight injuries na agad nilapatan sa pagamutan.




