--Ads--
CAUAYAN CITY – Nailigtas ng may kapansanan sa pangangatawan ang isang Grade-5 pupil matapos na muntik ng malunod sa Pinaripad River, Aglipay, Quirino.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sinagip ni Ransel Meneses ng Villa Ventura, Aglipay, Quirino ang nalulunod na si Mingly Manghi, 11 anyos, Grade 5 pupil at residente ng Pinaripad Sur, Aglipay, Quirino.
Bagaman putol ang kanang kamay ni Meneses ay hindi ito naging malaking balakid para sagipin niya ang bata.
Siya ang unang sumagip bago tuluyang dumating ang rescue team na naroon sa nasabing lugar.
--Ads--




