CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng San Guillermo Police Station ang apat na tao dahil sa paglabag sa Presidential Decree 705 (anti-illegal logging law).
ang mga dinakip sa barangay Dietban ay sina Jimmy Quilang, Pablo Quilang, Salvador Gazzingan at Aris Areola, pawang residente ng Buenavista, Angadanan, Isabela.
Nakatanggap ng impormasyon ang San Guillermo Police Station hinggil sa mga lalaking sakay ng elf truck na may plakang XPC 899 at may lulan na sakay na labag sa batas na pinutol na kahoy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Chief Inspector Arturo Cachero,hepe ng San Guillermo Police Station, sinabi niya na hinarang nila ang truck at natuklasan na may lulan itong mga nilagareng kahoy na assorted common hardwood at narra fliches.
Dinakip ang apat na lalake dahil walang naipakitang dokumento ng mga sakay na kahoy.
Sinabi ni Chief Inspector Cachero na itanawag sa kanya sa nakalap ng barangay intelligence network hinggil sa pagkakarga ng mga kahoy sa isang elf truck sa Burgos, San Guillermo.
Sa kanilang pagtugon ay positibo ang resulta nito.
Ayon kay Chief Inspector Cachero, hihintayin nila ang mga kawani ng CENRO na kukuha ng sukat ng mga nasamsam na illegal na nilagareng kahoy.




