--Ads--

CAUAYAN CITY- Itinuturing ng DILG na malaking hamon ang pagkadakip ng isang barangay kagawad na nagbebenta ng illegal na droga.

Si Barangay Kagawad Joey Dela Cruz, 49 anyos ng Barangay Mabini, Santiago City sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib na puwersa ng Station 1 ng Santiago City Police Office sa pangunguna ni P/Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Station 1, City Intelligence Branch ng SCPO at PDEA Region 2 sa Baptista Village, Calao East, Santiago City matapos magbenta ng illegal na droga sa umaktong poseur buyer na PDEA Agent.

Nakuha sa pag-iingat ni Brgy. Kagawad Dela Cruz ang isang transparent sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at marked money.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Ginoong Fernando Calabazaron, pinuno ng tanggapan ng DILG sa nasabing lunsod na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng paalala sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pagtupad sa kanilang tungkulin at iwasang masangkot sa laban sa batas na gawain.

--Ads--

Dahil umano sa pagkahuli ni Dela Cruz ay maaapektuhan ang dokumentasyon para sa proseso ng pagiging drug cleared barangay ng mabini.

Wala umano sa watchlist ng PNP si Dela Cruz.