--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip ang isang Tricycle driver ng pinagsanib na puwersa ng Saguday Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at PDEA region 2 matapos magbenta ng ipinagbabawal na gamot.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Rep.Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Samuel Alejo, may-asawa at residente ng Tres Reyes, Saguday, Quirino matapos siyang madakip habang nakikipag-transaksiyon sa umaktong poseur buyer.

Nakuha kay Alejo ang isang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at buy bust money .

Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya ng Saguday maging ang kanyang traysikel.

--Ads--