--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga alagad ng batas sa San Antonio ang isang lalaki na sinampahan sa hukuamn ng frustrated homicide sa Nueva Vizcaya.

Ang dinakip ay si Rommel Dela Cruz, 32 anyos, construction worker at residente ng Casat, Bayombong Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ramon Police Station, si Dela Cruz ay dinakip sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni Judge Anastacio Anghad, Presiding Judge ng RTC Branch 28 Santiago City.

Kailangang makapaglagak ng P/24,000.00 ni Dela Cruz para sa pansamantalang paglaya.

--Ads--