--Ads--

DITO SA LUNSOD NG CAUAYAN- Mayroon nang sinusundang gabay ang Cauayan City Police Station sa naganap na pamamaslang sa isang ginang sa Barangay Baculod, Caauayan City.

Sinabi rin ni Police Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station na sinisiyasat nila ang posibilidad na mistaken shooting ang krimen.

Si Ginang Leonida Reyes, 63 anyos at residente ng Baculod, Cauayan City ay pinagbabaril umano noong 2013 at sinasabing may kinalaman sa lupa ngunit mapalad na nakaligtas.

Sinabi ng anak ng biktima na si Cecilio Reyes Jr. na naniniwala siLang iisa ang may kagagawan sa pamamaril sa kanilang ina noong 2013 at noong Lunes, April 2, 2018.

--Ads--

Nauna nang sinabi sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Police Chief Inspector Ferdinand Datul, Chief ng Investigation Section ng Cauayan City Police Station na patuloy ang kanilang pagsisiyasat upang matukoy ang suspek.

Magugunitang noong gabi ng Lunes ay lumabas sa kanilang tahanan ang biktima upang tignan ang alagang baboy ngunit binaril siya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Limang tama ng bala ng Cal. 45 baril ang ikinamatay ni Ginang Reyes.