CAUAYAN CITY – Tinanggal na ng Land Transportation Office (LTO) ang anim na deputized DPWH Personnel na nangangasiwa sa weighbridge sa Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Magugunitang isinumbong kay pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy pangingikil ng ilang tauhan ng LTO at kanilang deputized personel na mula DPWH.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Manuel Baricaua, Administrative Officer ng LTO region 2 na noong Enero pa umano naipaabot sa kanila ang ulat kaugnay sa pangingikil sa mga biyahero ng mga deputized ng LTO na nagbabantay sa weighbridge.
Bukod anya sa anim na deputized personnel ng DPWH ay na-relieved na rin ang pitong regular law enforcer team ng LTO sa Nieva Vizcaya upang tignan kung sangkot din sila sa naturang usapin bagamat hindi naman umano sila nag-ooperate sa naturang lugar.
Sinabi pa ni Ginoong Baricaua, Administrative Officer ng LTO region 2 sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na kinuha na nila ang mga Temporary Operator’s Permit (TOP) at Deputation ID na ipinagkaloob ng LTO na mga DPWH Personel.
Papalitan ng mga galing sa lalawigan ng Isabela ang mga na- relieve na anim na enforcer sa Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Dagdag pa ni G. Manuel Baricaua, nakipag- uganayan na rin siya sa Director ng DPWH Region 2 na palitan ng kanilang mga mapag-kakatiwalaang regular personnel ang mga tinanggal na mga contractual nilang tauhan.
Iminungkahi rin niya sa pamunuan ng DPWH Region 2 na palitan at tanggalin na ng tuluyan ang mga kanilang tauhan na naitalaga sa naturang lugar.




