--Ads--

CAUAYAN CITY – Katarungan ang hiling ng pamilya ng isang ginang na nasa kritikal na kondisyon na sinasabing nahulog sa isang van sa Aglipay, Quirino.

Ang biktimang si Ginang Marvie Gallego, 47 anyos na residente ng Casiguran, Aurora ay nasa Intemsive Care Unit o ICU ng isang pribadong ospital sa Santiago City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Jojo Gallego, anak ng biktima na may tumawag umano sa kanya at sinasabing kailangan anya niyang pumunta sa Aglipay District Hospital ngunit kaagad nilang inilipat ng pagamutan ang ina.

Anya papunta sana ang kanyang ina sa Casiguran, Aurora para kunin ang Form 137 ng anak na kailangan para sa pagpapa-enrol sa kolehiyo.

--Ads--

Ayon pa kay G. Gallego, masakit para sa kanya ang pangyayari dahil halos magang-maga na ang mata ng kanyang ina.

Napansin din ni Gallego na pawang pasa lamang ang natamo ng kanyang ina at walang nakitang gasgas sa katawan gayung sinasabing nahulog sa van ang kanyang ina.

Idinagdag pa ni Gallego na mag-isa lang umano ng kanyang ina na nakasakay sa van at tanging ang tsuper at kondoktor lang nito ang kanyang kasama.

Nanawagan si G. Gallego sa mga nakakita sa pagkakahulog ng kanyang ina sa sinakyang van na makipagtulungan sa pulisya upang malaman ang katotohanan.