--Ads--

CAUAYAN CITY- Nais mabigyan ng pagkakataon ng Provincial Public Safety ang lahat ng mamamayan upang tumulong sa panghuhuli ng mga lumalabag sa batas trapiko sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Jimmy Rivera, Provincial Public Safety Officer ng isabela, sinabi niya na napapanahon na umano upang ipatupad ang matagal nang batas kaugnay sa citizens arrest

Anya kung ang batayan lang ng panghuhuli ay ang pagkakaroon ng deputation ay hindi pa rin anya titigil sa maling gawain ang mga pasaway na tsuper.

Ayon kay Rivera kailangan huliin at dalhin sa himpilan ng pulisya ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng citizens arrest.

--Ads--

Bagamat maari umanong maayos agad ang kanilang kaso ang mahalaga anya ay maturuan sila ng leksyon sa pamamagitan ng pagpapakulong at masampahan ng kaso sa ilalim ng inquest proceeding..

sa pamamagitan nito ay maaaring madisiplina ang mga motorista at matulungan ang mga tagapagpatupad ng batas…

Gayunman sakali umanong maaring malagay sa panganib ang buhay ng nanghuhuli, ay mas maigi umanong ipaalam nalang ito sa pulisya upang sila ang manghuli.