CAUAYAN CITY – Sampung natatanging kabataan ang binigyang ng pagkilala kagabi sa isinagawang First Gabi ng Kabataang Cauayenio na bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2018.
Binigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City ang nasabing kabataan dahil sa kanilang mga naiambag sa lungsod.
Nabigyan ang mga naturang kabataan ng plaque of recognition, certificates at cash insentives.
Ang mga nabigyan ng pagkilala ay sina Architect Kleaver Jonathan Ebora, Carol Grace Grantosa, Mary Joy Aldiosa, Isagani Caspe, Mike Bala, Angelica Tolentino, Alvin Ramos, Erica Bartolome, Jaylord Dela Cruz, at Bill Leonard Resurecion.
Sa pahayag ng Abegail Tuscano ang Chief Operations Officer ng DNF Distribution and Logistics at pangunahing tagapagsalita sa naturang programa, kanyang binahagi ang ibat-ibang paraan at pagpapahalaga upang makamit ang ninanais ng mga kabataan.
Binigyang diin niya ang kahalaagaan sa pagkakaroon ng gustong makamit sa buhay ng mga kabataan.




