CAUAYAN CITY- Maayos na nakarating ang delegasyon ng region 2 sa Cabugao, ilocos sur kung saan gaganapin ang palarong pambansa na magsisimula sa April 15, 2018.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr.Joselito Narag, tournament manager ng delegasyon ng region 2 na umaabot sa 765.
Sa bilang na ito ay 618 ang mga manlalaro at lahat ng events ay may kalahok ang region 2.
Naka-billet ang mga delegado ng region 2 sa tatlong paaralan sa Cabugao, Ilocos Sur.
Sinabi ni Dr. Narag na walang problema sa pagkain dahil nakatutok dito ang mga principal, head teachers at school personnel sa Ilocos Sur.
Sinabi ni Dr. Narag na puntirya nila mapanatili ang ika-12 puwesto o mas mataas.
Nagwagi ang region 2 noong 2017 palarong pambansa ng pitong ginto at labing-isang pilak na medalya.
ang mga event na puwedeng makapag-uwi ang region 2 ng gintong medalya ang mga atleta ay swimming, athletics, wushu, taekwondo at mga individual events.