CAUAYAN CITY – Walong kataong sangkot sa small scale mining sa Cordon, Isabela ang dinakip ng mga pulis.
Ang walong dinakip ay sina Ricky Dela Cruz, Mario Dinamling, Fidel Pagala, Octavio Agramos, Valiant Viernes, Gerald Dug-a at Jonathan Tubayas pawang nasa tamang edad, pawang residente ng naturang bayan at si Rudy Agustin ay residente ng Santiago City.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, nagsagawa ng operasyon ang pulisya ng Cordon Police Station katuwang ang CENRO-San Isidro matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na small scale mining sa isang barangay sa Cordon, Isabela.
Sa patugon ng mga otoridad, nahuli sa akto ang mga suspek sa kanilang pagmimina.
Inamin nila na sila ay small scale miners subalit wala silang maipakitang permit kayat dinakip at dinala sila sa himpilan ng pulisya.




