--Ads--

CAUAYAN CITY –  Sugatan ang tatlong katao na nakasakay sa isang motorsiklo makaraang ma-aksidente dahil sa nabanggang galang aso sa pambansang lansangan ng San Juan, Delfin Albano, Isabela.

Ang biktimang nagmaneho ng motorsiklo ay si Santiago Catulin, 27 anyos, residente ng tuguegarao City, habang ang kanyang mga backriders ay sina Jonalyn Aguinaldo, 27 anyos at Martiz Cadiz, 28 anyos, kapwa residente ng brgy San Andres, Delfin Albano, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Delfin Albano Police Station, sakay ang mga biktima ng motorsiklo at binabagtas ang naturang lansangan ng biglang mayroong galang aso ang tumawid sa daanan.

Sinubukan umano itong iwasan ng driver subalit dahil hindi na nakontrol agad ang manibela ng kanyang motorsiklo ay dito na niya nabangga ang naturang aso na nagresulta ng pagkakatilapon ng mga sakay ng motorsiklo.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad dinala sa ospital.