--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakasamsam ng baril at mga bala ang mga otoridad sa isinagawang search warrant sa barangay Calaocan, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Darwin John Orani, Hepe ng Alicia Police Station ang nasabing bahay na sinilbihan ng search warrant ay pag-aari ni Richard Sepada, apatnapong taong gulang, isang tsuper at residente ng Calaocan, Alicia, Isabela.

Ang search warrant ay ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Cauayan City kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and ammunition).

Nasamsam sa bahay ng suspek ang isang Cal. 45 na may magazine at 9 na bala, isang itim na sling bag at isang kulay brown na holster para sa Kalibre kuwarenta’y singkong baril.

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nasamsam sa kanyang bahay.

Sinabi pa ni Chief Inspector Orani na inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Sepada.