--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang tsuper ng motorsiklo matapos magbanggaan ang kanilang sinasakyan sa pambansang lansangan na bahagi ng brgy. Santa Filomena, San Mariano, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng San Mariano Police Station na binabagtas ng dalawang motorsiklo sa magkasalungat na direksyon ng lansangan, ng biglang nag over take ang motorsiklong sinasakyan ni Jay-ar Bautista,31 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Palutan, San Mariano, Isabela sa sinusundan nitong sasakyan.

Subalit sa pag-overtake ni Bautista ay nabangga nito ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Melchor Isagundi, 25 anyos, walang asawa, karpintero, at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela.

Agad dinala sa pagamutan ang dalawang tsuper ng motorsiklo na sangkot sa aksidente dahil sa tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin si Bautista nang mangyari ang aksidente.