--Ads--

Isang kasapi ng salisi gang, nadakip matapos mambiktima sa Isabela

CAUAYAN CITY- Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang isang kasapi ng salisi gang na nambiktima ng isang ginang sa Santiago City.

Ang isa sa suspek ay si Reynante Carlos, nasa tamang edad, walang trabaho at tubong  Dasmariñas City, Cavite.

Kasalukuyan pang tinutukoy ang kanyang kasamahan na dalawang babae at dalawang lalaki.

--Ads--

Sa nakuhang impormaston ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Station 2, positibong tinukoy ang pagkakilanlan ni Carlos sa pamamagitan ng isang concerned citizen na nakakita sa mga larawan na ibinahagi sa publiko.

Sa pakikipag-ugnayan ng Santiago City Police Station 2 sa mga barangay kapitan ng tinitirhan ni Carlos, napagalaman na patung-patong ang kaso na kinakaharap ng pinaghihinalaan na may kaugnayan sa pagnanakaw.

Matagal na rin anyang hindi umuuwi si Carlos at hindi rin umano siya rehistrado sa Comelec kaya maliit lamang ang impormasyon tungkol sa kanya.

Maging ang pamilya ni Carlos ay matipid din sa pagbibigay ng imormasyon tungkol sa kanya.

Magugunitang noong Marso ay nambiktima sila ng isang ginang na kumakain sa restaurant habang ang kanyang bag ay nakalagay sa upuan.

Magkakahiwalay na pumasok ang grupo ni Carlos at umupo malapit sa kanilang puntiryang bag.

Nang nakakuha ng pagkakataon ay kinuha ni Carlos ang naturang bag at agad ipinasa sa kanyang kasamahan.

Agad lumabas sa retaurant ang mga suspek at sumakay sa dalawang magkahiwalay na sasakyan.

Natangay ng mga suspek ang pera na nagkakahalaga ng P/10,000.00 at mga kagamitan na nagkakahalaga ng P/30,000.

Ayon pa sa pUlisya ang modus ng naturang grupo ang pumunta sa mga matataong restaurant at walang espisipikong target.

By chance lang umano ang kanilang pagkuha ng bag depende kung gaano kaabala ang may-ari ng bag.

Nag-umpisa umano ang kanilang pambibiktima sa Cavite hanggang makarating sa Santiago City at maaaring nambiktima rin sila sa mga karatig bayan.