CAUAYAN CITY–Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602(Anti-illegal Gambing Law) ang dalawang lalaki na dinakip sa Oplan Bolilio na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group santiago city.
Ang mga dinakip ay sina Christian Bambac, 32 anyos at Israel Bugarin, 39 anyos, kapwa residente ng Alfonso Lista, Ifugao.
sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Chief Inspector Michael Bautista, hepe ng CIDG Santiago City na may natanggap silang impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay sa paglalaro ng drop ball kaya nagsagawa sila ng operasyon.
Naaktuhan nila ang pagpapalaro ng dalawang suspek at nabatid nila na isang buwan na ang operasyon ng pasugalan.
Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang ilang gambling parapherlia, 3 pingpong ball, P/1,125.00 na money bet at iba pa.
Pansamantalang nakalaya ang dalawang dinakip matapos maglagak ng tig P/10,000.00 payansa.