--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan sa loob ng balon ang katawan ng isang caretaker na dalawang araw ng nawawala sa Echague, Isabela.

Ang natagpuan ay kinilalang si Arthur Soriano, 40 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Naganaccan, Lunsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impomasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PNP Echague, nakipag inuman ang biktima kasama ang lima pa sa bukirin ng kaniyang among si PO3 Hornly Morada noong gabi ng miyerkules, April 11, 2018.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Arthur at ng dalawa sa kanyang limang kainuman kaya nagdesisyong umuwi na lamang ang tatlo.

--Ads--

Matapos ang dalawang araw ay natagpuan na lamang ng kanyang amo sa balon habang hinahanap ang alagang baka ang katawan ni Arthur na nasa state of decomposition na .

Hindi naman umano kaagad napansin ng pulis ang pagkawala ng kanyang caretaker dahil madalang silang magkita.

Sa ngayon ay inaalam na ng Echague Police Station, ang motibo sa pagpatay at kung may kinalam ang dalawang nakaalitan bago nangyari ang krimen dahil wala na sa kanilang lugar ang mga suspek habang iimbestigahan ang tatlong nakainuman na naunag umuwi.

Isasailalim naman sa pagsusuri ang katawan ng biktima para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.