--Ads--
CAUAYAN CITY – Dalawang lalaki ang nadakip sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operations sa mga bayan ng Cabagan at Delfin Albano, Isabela.
Sa bayan ng Cabagan, nadakip ang isang Cris Reyes, 30 anyos, walang asawa at resisdente ng Brgy.Malasin.
Nadakip si Reyes matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur buyer.
Isang sachet ng shabu at P/500.00 buy bust money ang nakuha sa suspek.
--Ads--
Samantala nadakip naman si Harold Taggueg, 38 anyos, residente ng Brgy.Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela matapos masamsaman ng isang sachet ng shabu at P/500.00 sa isinagawang drug buy bust operation.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ).




