--Ads--
CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang number one most wanted person na nahaharap sa tatlong kaso ng panghahalay sa menor de edad sa barangay Distric 3, Cauayan City.
Ang dinakip ay si Villamor Butac, 61 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Sa nakuhang impormasyon sa Bombo Radyo Cauayan, dinakip si Butac sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ariel Palce ng RTC Branch 40.
Ang nabanggit na akusado ay nasa pangangalaga na ng PNP Cauayan City para sa dokumentasyon at disposisyon at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
--Ads--




