--Ads--

400 meter hurdles gold medalist Jerico Pacis, naging inspirasyon ang kuya na naglalaro rin ng 400 meter hurdles

CAUAYAN CITY – Hindi makapaniwala ang kuya ng Ilagueño na gold medalist sa 2018 palarong pambansa na malalampasan ng kanyang kapatid ang record niya noong 2013 Palarong pambansa sa 400 meter hurdles.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Rafdy Pacis kapatid ni gold medalist Jerico Pacis na hindi niya inakalang mananalo ang kanyang kapatid sa finals dahil top 3 lang siya sa semi finals ng palarong pambansa.

Aniya pansamantalang tumigil noon sa pagsabak sa sports ang kanyang kapatid matapos na panghinaan ng loob nang hindi manalo ng gintong medalya sa nakaraang CaVRAA Meet.

--Ads--

Dahil dito tinulungan ni Rafdy Pacis ang kanyang kapatid na makapasok bilang scholar sa University of the East at magsanay sa palarong pambansa.

Sinabi niya na ang palarong palakasan ang kanilang pag-asa upang makamit ang kanilang pangarap at makatapos ng pag-aaral.

Magtatapos si Jerico Pacis ng Grade- 12 sa buwan ng Mayo nang may karangalan.

Samantala binanggit din ni Rafdy na siya ang idolo ng kanyang kapatid.

Noong naglalaro pa siya para sa Isabela noon ay isinasama niya si Jerico para panoorin ang kanyang mga laro.

Unang nag-aral si Rafdy Pacis sa naturang pamantasan matapos makapagtala ng record sa national open ng Philippine Athletics Track And Field Association ( PATAFA ).

Labis siyang nagpapasalamat sa tulong ng pamahalaang lokal ng Ilagan sa kanyang pagsabak sa palakasan.